Boto ko ito at May Magagawa Ako

Sa unang pagkakataon, boboto ako sa 2016 Halalan kahit pa kailangan kong lumiban sa opisina para lang pumila sa Embassy para sa absentee voting. Ngayon desidido na akong gamitin ang matagal nang karapatan na pinaglaban ng mga nauna sa akin. Salamat Leni Robredo kasi binigyan mo ako ng pag asa. Kasama narin dito si Gob. Josie Dela Cruz.

Lahat naman tayo may kanya kanyang dahilan sa kung sino ang iboboto pero sana isipin natin na hindi tayo bumoboto para sa atin kung hindi para sa mga anak at magiging apo natin. Responsibilidad natin na bigyan sila ng mabuting kinabukasan.

Lagi kong naririnig sa mga teleserye na para sa mahihirap, dangal na lang ang meron sila pero sa totoo lang dangal lng ang sukatan ng ating pagkatao. Naiintindihan ko na maaring matinding kahirapan, gutom at buhay ang nakataya sa bawat pagbenta ng iba sa kanilang boto pero kung mag iisip lang tayo ng pang matagalang solusyon, baka sakaling hindi na magugutom pa ang ating mga anak. Responsibilidad ng bawat pulitiko na bigyan tayo ng mas maayos na komunidad para magkaroon tayo ng pagkakataong makapagtrabaho at alagaan ang ating pamilya. Hindi po sila banko na dapat magbigay ng pera sa atin. Kailangan nating iboto ang mga karadapat dapat na tao mula kapitan ng barangay hanggang sa Presidente.

Marami ang hindi nakakaalam na ang mga binoto noong 2009 sa kongreso ay nagsabatas ng RA 9522 o ang Baseline Law na hindi sinama ang Spratlys at Scarborough Shoals sa teritoryo natin. Ibig sabihin ang dati nang sa atin ay pinakawalan nila. Kailangan natin ng mga tao sa Kongreso na nakakaintindi ng mga komplikadong bagay gaya nito. Ang Freedom of Information bill na hanggang nagyon ay nakabinbin parin ay hindi maaprubahan kasi ito ang batas na magbibigay sa atin ng mekanismo para malaman ang lahat sa gobyerno. 

Para sa mga nagrarally, sana ngayong halalan gamitin ninyo ang kasalukuyan ninyong plataporma para maturuan ang lahat sa kahalagahan ng kanilang boto. Totoong nasa kalye ang totoong laban at itong halalanang ito kailangan ang aktibo ninyong pakikibaka. Itigil muna natin ang pagrereklamo at makipagkaisa tayo sa nararapat na proseso sa gobyerno. Kung gusto ninyo ng pagbabago bigyan natin ng kaalaman ang nakararami sa kapangyarihan nila bilag mamamayan

Para sa mga elitista, isipin ninyo na kung patuloy na dadami ang mahihirap sino ang bibili sa mga condo, bahay, malls at kainan na patuloy ninyong pinamumuhunan? Kung hindi tataas ang kalidad ng buhay sa Pinas paano nalang magkakaroon ng interes ang dayuhan na makipagpare sa inyo sa negosyo? Tulungan natin ang isa’t isa.

Para sa mga OFW, magiging taga tingin lang tayo sa lahat ng nangyayari sa ating bansa, saan aabot ang lahat ng perang pinadadala natin buwan buwan? Oo, nabubuhay ang ating pamilya pero anong kinabukasan meron sa kanila? Gugustuhin ba natin na danasin rin nila ang dinadanas natin na malayo sa pamilya at nagtitiis para lang makapagpadala? Bumoto tayo kahit nasaang lupalop man tayo.

Para sa mga kabataan, kayo ang tambay sa lahat ng social media sites, gamitin ninyo ito para aralin ang mga katotohanan tungkol sa mga pulitiko. Kung kaya ninyong mag tweet tungkol sa Aldub ng 7 milyon bakit hindi ito gawin para ipalaganap ang kahalagahan ng boto. Ang 18-39 years old na bumobotong populasyon ay 40% ng 54 million na lehitimong botante para sa eleksyon sa Mayo kung lahat nito ay magmamalasakit lang paano tayong mabibigo?

Para sa mga kandidato gaya nila:

 Bong Bong Marcos, dahil sa pamilya mo ang bawat pilipino ay may utang na kailangan niyang bayaran hanggang 2025. Kahit ang hindi pa napapanganak ay may minana nang utang. Mula 1$billion naging 28$billion ang utang sa panahon ng tatay mo! Ayon sa pag aaral mahigit sa 33% nito ay sa inyo at sa cronies ninyo napunta! Bakit kita iboboto? Ikaw, Juan nakalimutan mo ba ito?  Okay, sige marami kang batas na napanukala sa kamara pero lahat naman puwede magpanukala pero napalusot mo ba? Yun langdapat ang binibilang, naipasang batas! Lolokohin mo pa ang mga tao sa degree na tinapos mo? 

Manny Pacquiao, oo napasikat mo ang galing ng Pinoy pero ano nga ba ang nagawa mo sa Kongreso? 4 na beses ka nga lang bang pumasok sa Kamara? Ano ang naipasa mong batas para sa ikauulad ng mga kababayan mo? Mag boxing ka na lang o kaya suportahan mo na lang ang ating mga atleta, sa ganitong bagay, malaki ang magiging kontribusyon mo. 

Jejomar Binay, naiintindihan ko na kailangan mong bawiin lahat ng napambili mo ng boto noong nakakarang eleksyon at lahat ng nasilip na kayaman mo na galing sa mga taga Makati pero ang kapal lang din ng mukha mo na ituloy pa ang pagtakbo ng kaliwa’t kanan ang kaso sayo. Kung magaling ka talaga, sana napamahagi mo ang yaman ng Makati sa lahat ng mamayan nito. Bakit ba marami paring urban poor sa sakop mo? Tutulong ka ng kaunti pero magnanakaw ka ng mas malaki! 

Kay Madam Miriam Santiago, muntik na kitang iboto kasi matalino at matapang ka at alam mo kung ano ang gusto mo pero may biglang nag paalala sa akin ng pagkukubli mo kay Erap at ang “I lied…” Mo na linya noong kasagsagan ng impeachment trial. All the more na ang sinama mo sa pagtakbo ay si bongbong. Sayang ka, matalino ka pero kulang sa EQ nakakatakot kang maging parang si GMA. 

Pag isipan po natin mabuti ang mga pangalan na isusulat natin sa balota. Ang tamang boto natin ay malayo ang mararating. Ang eleksyon ay simula pa lang ng ating pagbabago. Magkaroon tayo ng malasakit para sa Inang Bayan. Wala tayong karapatang magreklamo kung wala lang din tayong ginagawa para sa pagbabago.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s